All PHILCOMSCI Students!!!

Express yourselves here. This is your blog site. Whatever you want to share the world… No matter how absurd, radical or even corny. Come and join the PHILCOMSCI bloggers.

achieve11 achieve21
achieve31 achieve41
achieve5 achieve6
achieve19 achieve20
achieve111 achieve14

Ang Ambisyon ng Estudyanteng Pinoy! Malinaw ba ang Hinaharap

     Ang kasalukuyang ‘trend’ o uso sa Pilipinas ngayon ay ang pag-a-abroad, ang pangingibang-bansa. Maging ang sektor ng edukasyon ay sa ganito na nakahilig. Pagkarami-raming kurso ang lumalabas na nangangako ng mabilis daw at mabisang paraan upang sa loob lamang ng maiksing panahon (halimbawa ay dalawang taon), ay parang sigurado nang ang mag-aaral o gradweyt ay makakarating na abroad.

     Subalit gaano ba ito katotoo? Kung sisiyasatin natin ang mga kaganapan sa ating lipunan ay makikita natin na tambak na ang nag-aaral at gumradweyt na sa mga kursong kung tawagin ay in-demand daw: Nursing; Caregiver; at HRM.

     Daang libo na ang mga naghihintay upang makapag-abroad. Sa aming pakiwari ay mukhang nangangailangan na ng panibagong pananaw upang maibsan ang tumatambak na mga na ito ng mga in-demand na kurso daw.

     Heto ang totoo! Ang teknolohiya ng kompyuter ang tinatawag ngayong pinaka-’revolutionary product’ na ginawa ng tao. Halos 90 porsiyento ng populasyon sa buong mundo ay apektado nito. Sino ang hindi pa nakarinig man lamang ng ‘internet’? Ang ‘technology’ na ito ang walang kupas, patuloy na pinauunlad at pinag-aaralan. Dito namin nais na dalhin ang direksyon ng estudyanteng Pinoy. Pag-aralan natin ng husto ang teknolodying ito upang maging akma tayo sa pangangailangan, hindi lamang ng ating bansa kundi pati na rin sa hangarin ng Pilipino na maka-pagtrabaho sa ibang bansa.

     Kung pag-a-abroad din lamang ang ambisyon ng bawat mag-aaral na Pilipino… dito na tayo sa subok na hindi pa laos… ang Teknolohiya ng Kompyuter. Maigting ang pangangailangan ng ‘computer literate individual’ hindi lamang dito sa ating bansa, kundi sa lahat ng establisamyento sa buong mundo. Computer Programmer, Computer Secretarial at Computer Technician. Siguradong hindi kayo mababakante maging dito sa ating bayan o sa ibang lupain sa buong daigdig…

 

 

 

Halina kayo sa SibolSoft Blog!!!

Welcome to SibolSoft Weblog!!! You can start posting your comments, ideas, concerns, etc., here. No matter how weird or radical it may be, we can lend you our time and mind. Let’s start blogging

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.